Frequently Asked Questions

Paano ako o-order?

Piliin lang ang kailangan mo, piliin ang tamang size o weight, tapos i-Add to Cart. Kapag kumpleto na, buksan ang cart, ilagay ang complete delivery details, piliin ang payment method, at mag-checkout. Hintayin ang confirmation namin para ma-check ang availability at delivery schedule. Returning suki? Place your order lang. Kami na ang bahala.

Pwede bang grocery list na lang ang ipadala ko?

Oo. I-send ang complete list, pangalan, delivery address, contact number, at preferred payment method sa Aling Gemma Facebook Messenger. Tutulungan ka ng team namin. Para sa pinakamabilis na ordering, puwede ka ring mamili at mag-checkout direkta sa website.

Kailangan ko bang gumawa ng account?

Hindi. Puwede kang mag-checkout bilang guest. Optional ang account kung gusto mong mas madaling makita at ulitin ang mga susunod mong order.

May minimum order ba?

Ang minimum online order ay ₱1,000. Makikita sa cart kung magkano pa ang kailangang idagdag bago mag-checkout.

Paano makakuha ng free delivery?

Free delivery ang orders na ₱3,000 pataas within Metro Manila. Para sa eligible nearby areas outside Metro Manila, ang threshold ay ₱5,000 at kailangan munang ma-confirm ang address at courier coverage.

Ano ang cutoff para sa next-day delivery?

Kumpletuhin ang order at payment bago mag-6:00 PM para sa standard next-day delivery. Kung may ibang available delivery date, makikita o iko-confirm ito sa order.

Saan kayo nagde-deliver?

Primary delivery area namin ang buong Metro Manila. Ang ilang nearby areas sa Cavite, Laguna, at ibang reachable locations ay case-to-case depende sa exact address at available courier. I-message kami para ma-check muna.

Magkano ang delivery fee?

Depende ito sa exact address, order amount, at available courier. Iko-confirm namin ang charge bago i-finalize ang delivery. Hindi kami mangangako ng fixed fee hangga't hindi validated ang address.

Ano ang payment methods?

Puwedeng magbayad gamit ang GCash, Maya, BDO, BPI, o Cash on Delivery kung available sa iyong location at order. Sundin ang payment instructions sa checkout at hintayin ang confirmation namin.

Paano ninyo pinananatiling fresh ang items?

Fresh stocks are sourced daily. Kami mismo ang namimili at nagche-check ng quality bago ihanda ang order. Ang fresh meat at seafood ay inihahanda nang maayos para mapanatili ang freshness habang dini-deliver.

Bakit maaaring mag-iba nang kaunti ang final weight?

Natural na maaaring may kaunting difference sa actual weight ng fresh produce, meat, at seafood. Ang isda ay tinitimbang bago linisin, kaya mas mababa ang timbang pagkatapos alisin ang kaliskis at lamang-loob. Iko-confirm at ia-adjust namin ang order kapag kailangan.

May tanong o kailangan ng tulong?

Message Aling Gemma on Facebook Messenger, tumawag sa 0935 832 4755, o mag-email sa alinggemmaonlinepalengke@gmail.com.